Monday, July 29, 2013

A Letter from ate Daisy

Who is ate Daisy? She is described in Filipino lingo as 'walang masamang tinapay' a counterpart of 'miss congeniality' so to speak because she is a friend of everybody! She played a great role in my life while I was in Dili, Timor-Leste. She was my shoulder to cry on, she was my sounding board, she was my counselor, she was my critique...she would feed me, cook the food I craved for...she was there during the highs and lows, ups and downs of my life and living in Timor-Leste...she was always the first one to appreciate my little achievements, professionally and personally....I can go on and on to describe her...but to sum it up, she was an older sister whom I didn't have. 

with ate Daisy in Maubisse


On the eve of my flight back to Manila (Philippines), she handed me this letter which I couldn't read myself because I was too emotional. It was read instead by another friend. After reading the letter, I asked ate Daisy's permission to publish it in my blog.  

Mahal kong Aydel, 
Mahirap mapalayo sa isang KAIBIGAN...madalas natin sinasabi na "ayos lang" o "okay lang" dahil naging masaya naman sa panahon na magkasama tayo. Halos ayaw nga matulog ang gabi dahil halos ayaw ng magkahiwa-hiwalay (magkikita naman agad kinabukasan) at di pa doon nagtatapos ang kulitan, usapan at kwentuhan. Aba, eh may sms na may tawag pa bago matulog. At sa pagbangon sa umaga ganoon pa din...sms ulit, tawag ulit (kulang na lang magtabi sa pagtulog...) hay, buhay!!! 
Kahit minsan hindi pumasok sa ating mga isipan o usapan ang paghihiwalayan, ang pagkalayo at ang pag-alis...ngunit dumating na ang katotohanang PAGHIHIWALAYAN. 
Masarap gunitain at balik-balikan ang panahon na pinagsamahan, pinagsaluhan at pinagkaisahan...ang tawanan, iyakan at LAFANGAN.  
Lumipas ang mga minuto, oras at mga araw sa payak na paraan. Payak sapagkat magaan ang pinagdaanan ng ating pagkakaibigan, payak ang mga kaisipan, payak ang pinag-uusapan. Walang hadlang, walang balakid dahil iisa lang ang ating mga kaisipan at kalooban.  
Masaya sapagkat may bago na naman na kabanata ang ating kinabukasan. Ngunit madami tayong katanungan. Saan patutungo ang bagong buhay, ano kaya ang aking magiging buhay sa kabilang bayan, paano ako mabubuhay ngayon na ako'y mawawalay sa aking mga minamahal na kaibigan.  
Lahat ng katanungan ay nangyari na, nakalipas na, napagdaanan...nabuhay ako na nag-iisa at walang kasama, masakit, malungkot at mahirap.  
Masarap sapagkat bagong lugar, masaya sapagkat bagong buhay, mahirap sapagkat magkakahiwalay.  
Ngunit, hindi doon nagtatapos ang lahat... 
Simula pa lang ito ng tunay na samahan at pagkakaibigan, madalas natin sabihin magkikita pa naman muli (kung hindi pa tayo mga ulyanin). Magkakausap pa muli (kung hindi pa mahina ang ating pandinig). Magkakasama (kung wala pa tayong mga rayuma at karamdaman). At sa katunayan, tuloy ang LIGAYA sapagkat IISA lang ang ating KALOOBAN....ang katotohanan na MINAHAL natin ang isa't-isa.  
Ang tanging maipapabaon namin sa iyo ay ang aming taos-pusong PAGMAMAHAL.
Paalam, KAIBIGAN. Hanggang sa muling pagkikita-kita 
Nagmamahal,  
Ate Daisy
28 June 2013
Dili, Timor-Leste 

Thank you so much ate Daisy for being there all the time!  

No comments: